Pagtatayo ng boxing academy sa bansa isinusulong

IPINANUKALA ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtatatag ng boxing academy upang isulong ang professional boxing sa bansa.

Layunin din ng panukala o House Bill 5224 na isinusulong ni Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo katuwang ang ina nitong si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, na tulungan ang mga Filipino boxer sa pamamagitan ng pagtatayo ng Philippine Boxing Academy (PHILBACA) sa ilalim ng Games and Amusement Board (GAB).

Ang naturang academy ang siyang magre-recruit, sasala at magsasanay sa mga boksingero upang maging competitive ang mga ito sa local at international competition.

Nakasaad din sa panukala na tatawaging Boxing Academy Act of 2011, na ang academy ang siyang magsagawa ng boxing tournaments sa buong taon sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas upang maisulong din ang professional boxing sa bansa.

“The tournament shall be open to all local aspiring boxers with the purpose of identifying local talents to be recruited as scholars to the academy.” anang batang Arroyo.

Nakatala rin sa panukala na dapat na ilagay ng Department of Education (DepEd) ang boxing sa curiculum ng physical education (PE) sa lahat ng public schools at state universities and colleges.

Nais ng mambabatas na magtuloy-tuloy ang tagumpay na nakamit ng bansa dahil sa husay at galing ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao at iba pang boxing legends tulad nina Francisco “Pancho Villa” Guilledo, Gabriel “Flash Elorde,” Luisito Espinosa, Rolando Navarette at Gerry Penalosa sa professional category at Jose Villanueva, Anthony Villanueva, Leopoldo Serrantes, Roel Velasco at Mansueto “Onyok” Velasco sa amateur level.

Kabilang din sa mahuhusay na boksingero ng bansa ay sina Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Brian “The Hawaiian Punch” Villoria, Rey “Boom Boom” Bautista, Florante “Little Pacquiao” Condes, Bernabe “Abe” Concepcion, Donnie “Ahas” Nietes, Drian “Gintong Kamao” Francisco, Rexon “The Pison” Flores, Rolly “Matsushita” Lunas, Z “The Dream” Gorres at Alex John “Batang Ermita” Banal.

Pinuri ng mambabatas ang mga nasabing boksingero dahil nakatulong sila sa bansa upang makilalang breeding ground ng mahuhusay na boksingero sa mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply