Pagtitiwala sa iba burado kina PNoy

KUNG hihimay-himayin ang pagtrato nina PNoy sa iba, hindi ka mapapalagay.

Bakit, Suki?

Wala silang katiwa-tiwala sa iba.

Por eksampol na lamang ang pagtrato nila kina judge at justice.

Aba, tingin nina PNoy, eh, hindi alam ng mga huwes ang paggastos ng tama sa mga pondo na inilalaan sa kanila.

Kaya, gusto ng mga magkakaklase, magkakaibigan at magkaka-barkada sa Palasyo na hindi na ang mga huwes ang hahawak ng pondo ng hukuman kundi silang mga KKK.

Yang suweldo ng mga huwes na nagtatrabaho ngayon, oki lang na ibigay sa kanila.

Pero yang pondo para sa karagdagang mga huwes, para sa pagpapagawa ng mga gusali ng korte at iba pang programa, eh, kailangang hawak ng mga KKK para hindi makorap?

oOo

Ang nagaganap na ito, Suki, ay labag sa Konstitusyon na nagsasabing dapat na pangasiwaan ng Hukuman ang sarili nitong pondo at gawain, sabi nila.

Sinisira umano nina PNoy ang pagiging independiyente nina judge at justice sa Palasyo at Kamara.

Feeling nina judge at justice, gusto ng mga KKK na manikluhod sila sa mga ito.

Aba kung totoo ito, parang martial law nga ang nagaganap, gaya ng sinasabi ng ilang senador.

Hawak sa leeg ng Palasyo maging ang Chief Justice na may halong insulto sa suspetsang korapsyon.
oOo

Madali namang maunawaan kung bakit ganito na lang kung tratuhin nina PNoy ang mga nasa Hukuman.

Hindi lang naliligaw ng landas kundi sagabal sina CJ Renato Corona sa paglalakad ng Pinas tungo sa matuwid na daan?

Nga pala, bakit nira-rali ang daan na yan ngayon, huh?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply