Pal flights kanselado dahil sa bagyo sa Japan

KANSELADO ang biyahe ng Philippine Airlines Flight PR432 na nakatakdang lumipad ngayong 2:30 ng hapon patungong Narita Airport sa Japan dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyo doon.

Bukas ng umaga ay nakatakdang matuloy ang biyahe ng nabanggit na airlines. Hindi pa lamang tiyak kung anong oras kaya pinayuhang makinig sa balita ang mga apektadong pasahero, ayon sa media affairs ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bukod sa nasabing flight, kinasela rin ang biyahe ng Delta Airlines flight 172 kaninang alas-7:30 ng umaga na patungo ring Narita at ang Delta flight mamayang alas:6:30 na papuntang Nagoya dahil din sa sama ng panahon sa Japan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply