Palaboy natagpuang patay sa kalsada

DUGUAN ang bibig at ilong ng isang palaboy nang matagpuang patay sa harap ng isang tindahan sa Sta. Mesa, Maynila Martes ng madalin araw.

Inilarawan ni PO2 Jet Tajonera, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang tinatayang nasa edad 50-60, may bigote at balbas, napapanot na buhok, nakasuot ng kulay brown na patalon at kulay dilaw na T-shirt.

Isang Efren Cabanson, tindero sa JBG Music Store, ang nakakita sa biktima na nakahandusay dakong alas-5:00 ng madaling sa harap ng kanilang tindahan.

Tinangka umanong paalisin ni Cabanson ang biktima dahil magbubukas na siya ng tindahan ng mapansin niyang hindi na ito kumikilos. Agad na inireport niya ang nakita sa MPD-PS 8.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima na palatandaan na ito ay pinatay maliban sa dumudugo ang bibig at ilong nito.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Universal Funeral Homes para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply