Palakasin ang Air Force

MABUTI naman at mukhang desidido na ang pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na palakasin ang kakayahan nito na ipagtanggol ang bansa laban sa lahat ng uri ng banta sa ating seguridad.

Kumpara kasi sa mga kalapit nating mga bansa ay mukhang napag-iiwanan na ang Pinas hindi lamang sa mga air asset kundi sa pangkalahatang mga gamit na pandigma.

May kasabihan na ang panahon ng kapayapaan ang panahon para maghanda sa digmaan.

Hindi sa hinahangad ko na pumasok sa kaguluhan ang Pi-nas , dahil sa totoo lang ay wala namang ibinubungang mabuti ang anomang uri ng digmaan.

Pero dapat din naman na ipakita naman natin sa iba na may kakayahan tayong ipagtanggol ang ating sarili kung sakali at may magtatangka na agawin ang ating soberenya bilang isang bansa.

Nakalulungkot lang kasi na ang Commission on Audit (COA) pa ang nagsabi na “kailangan na nang PAF na palakasin ang air assets nito.”

Sa kasalukuyan kasi ay 31 lang ang gumagana sa ating pawang matatandang eroplano samantalang 54 naman ang kakarag-karag nating mga helicopter.

Sa suma total na bilang ng inventory natin na 393 eroplano ng PAF, 91 lamang dito ang puwedeng pakinabangan kahit paano samantalang 81 naman ang sira at ang natitirang bilang naman ay puro sa junk shop na ang bagsak.

Tsk!tsk! kawawa naman pala talaga tayo.

kahit isang maliit na bansa lang gaya ng Singapore ang lumusob sa atin ay baka ‘di umabot ang maghapon na air strikes at bumigay na tayo.

Paano pa kaya kung ang isang higanteng bansa gaya ng China o Russia kaya ang topakin at maisipan na sakupin tayo?

Siguradong sa kangkungan tayo pupulutin.

Sa madaling salita ay wala talagang kakayahan ang ating mga kasundaluhan gaano man sila katapang dahilan na rin sa kulang na kulang sila sa tamang mga gamit pandigma.

Kaya panahon na para pag-ukulan natin ng pansin ang ating
defensive capabilities.

Sa halip na puro pulitika at iringan sa panig ng mga nagtutunggaliang kampo ng mga pulitiko, dapat ay magkaisa tayo at pagtuunan natin ang pagkakaisa.

Importante na magkaisa ang bawat Pinoy sapagkat ito ang magiging susi upang mapalakas natin ang kakayahan natin bilang isang malayang bansa.

Tama na ang walang katapusang imbestigasyon at awayan sa pulitika.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply