Palanca awardee ang direktor ng ‘Startalk’

ALAM n’yo bang napakahusay na manunulat ng direktor ng Startalk sa GMA Network na si Floy Quintos?

Maraming Palanca Awards sa English play categories (full length at one-act) na na napanalunan si Floy. At sa Palanca this year, sa kategoryang one-act play in English, siya ang nag-iisang winner para sa kanyang Night at the Opera. Ang galing, di ba?

As far as we know, ang Startalk lang ang idinidirek ni Floy for GMA 7. That’s a pity because he is also very much a well-accomplished director in theater. Pati nga isang opera na itinanghal sa Cultural Center of the Philippines, nakapagdirek na siya.

In case di n’yo alam, sa involvement nya sa teatro bilang aktor natutong magdirek si Andoy Ranay na nagdidirek for both ABS-CBN at GMA Network. At ganu’n din naman sina Joel Lamangan at Soxx Topacio.

And speaking of acting, paminsan-minsan ay aktor din si Floy sa mga theater production ng University of the Philippines, kung saan siya nagtapos ng college.

May isa pa nga palang Palanca winner na nasa GMA Network: si Jun Lana. Pero hindi kami pamilyar na pamilyar sa mga nagwawagi sa Palanca taun-taon, kaya posibleng may iba pang Palanca winners na nasa Kapuso Network.

Patas na patas pumili ng winners ang Palanca. Hindi kailangang sikat ka o kakilala ka ng judges para ka magwagi. Isang kaibigan namin na first time pa lang sumali ay nagwagi ng third prize sa Dulang Pampelikula: si Helen Lasquite, na ang entry ay “Emmanuel.” Kasamahan nga pala namin si Helen sa spiritual and mind-power development study group na ang pangalan ay Temple of Prayer, Peace, and Prosperity (TOPPP).

Isang sikat ng writer, si Lemuel Garcellano, ang nag-uwi ng first prize para sa obra n’yang Tru Lab. Hindi namin alam kung beterano na bilang Palanca winner ang naka-second prize na si T-Jay K. Medina, para sa screenplay n’yang Huling Isang Taon. Maaaring kapatid siya ng lifestyle editor na nagsulat din tungkol sa showbiz na si Francine K. Medina.

Dahil kino-cover din naman namin sa kolum na ito ang theater productions, hayaan n’yong ipabatid namin sa inyo na naka-first prize na naman sa Dulang Ganap ang Haba (full-length play) si Rody Vera ng PETA. Ito ay para sa likha n’yang Paalam, Sister Soledad. Si Rody ang dramaturgist sa ipinapalabas sa PETA ngayon tuwing weekend, ang William, na tungkol sa pag-aaral ng isang grupo ng high school students tungkol sa mga dula ni Shakespeare (na ang first name ay William).

Pati ang kasamahan ni Rody sa PETA na si Liza Magtoto ay nagwagi rin sa nasabing kategorya para naman sa sinulat n’yang Tamala. Si Liza ang sumulat ng naging hit na hit na musical ng PETA kamakailan: ang Carediva na tungkol sa mga bading na caregiver sa Israel na mahuhusay na impersonators sa gabi.

Ang naka-third prize ay si Joshua Lim So na di pa namin nagu-Google kung sino. Panahon ng Sampung Libong Ilong (opo, ilong po, ayon sa report ng isang broadsheet).

***

ANG galing naman ni Luchi Cruz Valdez ng TV5: nakuha n’ya ang tatlong magkakapatid na Tulfo na sina Ben, Erwin, at Raffy para sa isang grandeng investigative-public affairs program na binigyan ng simpleng titulo na T3. Tuwing Lunes ng gabi ito pinapalabas.

Eh nasan na ba ang kuya nilang si Ramon Tulfo, ang orihinal na Tulfo sa media?

Happy and feeling very useful naman po siya sa radyo, particularly sa DZIQ  na nasa 990 sa AM dial ng inyong mga radyo. May pang-araw-araw siyang mga programa sa umaga at sa hapon. Yung sa hapon, 3-4 p.m., ay Target ni Tulfo, kung saan tuwing Huwebes ay regular guest n’ya ang teacher namin ni Helen Lasquite sa TOPPP na si George Sison.

Sa TOPPP nag-aaral si Mon ng tungkol sa spiritual and mind power, at tungkol na rin sa karma na madalas n’yang mabanggit sa kolum n’ya sa Inquirer. Sa mga interesado, pwede kayong tumawag sa radio program at magtanong kay George (na dating movie-TV producer at composer). Kung di n’yo maabutan ang programa, pwede n’yong itext ang tanong n’yo sa TOPPP administrator: 0917-697-1295. Puwede rin kayong mag-email kay George sa george_df_sison@yahoo.com. Puwede rin kayong dumalo sa meditation at pag-aaral nila tuwing Linggo, 4 p.m., sa function room ng Old Swiss Inn restaurant na nasa Olympia Somerset Building, Makati Avenue, Makati. Libre po yon.

Samantala, negosyante na rin po si Mon. May dalawa siyang restoran at may farm siya sa Palawan. Malapit din naman siya sa TV5 at naitampok na minsan ang life story n’ya sa isang programa du’n.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply