Palasyo ayaw makisawsaw sa imbestigasyon kay Abalos

AYAW makisawsaw ng Malakanyang sa gagawing imbestigasyon at paghimay ng pinagsanib na puwersa ng Department of Justice (DOJ) at Commission on Elections (Comelec) sa pagkakadawit ni dating Comelec Commissioner Benjamin Abalos sa malawakang dayaan noong 2007 elections.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, ay makabubuting hintayin na lamang ang magiging testimonya ng dalawang dating election supervisors mula North Cotabato at South Cotabato na inginuso si Abalos na may kinalaman sa 2007 election fraud.

Sa ngayon ay ayaw ding sabihin ng Malakanyang kung credible witness na nga ang dalawang dating election officers.

“At this point, personally, we have not been able to see—I have not been able to read the affidavits and we will defer to Secretary [Leila] de Lima doon po sa magiging initial judgment niya,” ayon kay Valte.

Ayaw ding magkomento ni Valte sa ulat na maging ang ISAFP ay sangkot sa usaping ito dahil hindi pa niya nakikita at nababasa ang kabuuan ng affidavit ng dalawang dating opiyal ng komisyon.

Inamin ni Valte na puro news reports lang ang kanyang napi-pick-up pagdating sa usaping ito.

Samantala, hindi naman naniniwala ang Malakanyang sa posibilidad na maaring ma-demoralize ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kapag isinama na ang ISAFP sa iimbestigahan ng DOJ at Comelec.

“Ang AFP naman po, the current leadership of the AFP has committed to cooperating with any and all investigations that would involve those in active or retired service and, ano naman po ‘yan, we are assured of the commitment of the AFP to come out with a very objective view on the matter,” aniya pa rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply