Palasyo inutil sa prostitusyon – Sen. Pia

SA halip na magpatupad ng programa upang masugpo ang prostitusiyon, minaliit lamang ng Palasyo ang pahayag ni US Ambassador Harry Thomas na aabot sa 40 porsiyento ng kabuuang bilang ng lalaking turista ay nagpupunta sa bansa dahil sa sex.

“The Palace and Sec. Jimenez appear to be in a state of denial regarding the existence and continued proliferation of sex tourism in our country. The remark made by Ambassador Thomas that up to 40% of male foreign tourists come here primarily for sex was met by an avalanche of denials from the government,” ayon kay Cayetano, Chairperson ng Senate Committee on Youth, Women and family Relations.

Sinabi ni Cayetano na sa halip tugunan ang isyu, walang ginawa sina Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte at Sec. Jimenez kundi kuwestiyunin ang katotohanan ng estadistika ng embahador.

“Pero, tanong natin sa gobyerno, ano ba ang ginagawa upang tugunan ang problema>” ayon kay Cayetano.

“Whether it’s 40%, 20%, or 10%, one wouldn’t need to hire a survey outfit to find out that sex tourism is happening in many of our tourist destinations and luring in many foreign tourists. In fact, we don’t even have to physically visit these areas to verify for ourselves because with just one click of a mouse, we will see that sex tours to the Philippines are openly being promoted to foreigners through the internet and social networking sites,” aniya.

Binatikos din ni Cayetano ang pahayag ni Jimenez na nagsasabi sa lahat ng turista na “kung nagpunta kayo dito sanhi ng inyong masamang balakin, hindi namin kayo kailangan dito.”

Sa Lunes, nakatakdang maghatid si Cayetano ng kanyang privilege speech  na nanawagan sa liderato ng Senado na bigyang prayoridad ang Anti-Prostitution Act.

Layunin ng panukala na baguhin ang treatment sa taong naging biktima ng prostitusiyon bilang biktima ng sistema at hindi kriminal. Aalisin din ang accountability sa prostitusiyon mula sa prostituted person tungo sa nagsamantala na siyang lulusaw sa ilang probisyon sa Revised Penal Code.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply