Palasyo kibit-balikat sa suspensyon ng VAT

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang panukala ng ilang sektor na suspendihin ang value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng langis.

Iyon nga lamang, nagpahaging naman si Deputy presidential spokesperson Atty. Abigail Valte  na bukas ang pamahalaan na buhayin ang fuel subsidy program para sa mga drivers ng mga pampublikong sasakyan gaya ng jeepney.

“Sa usapin VAT, if you recall, naitanong noon sa Pangulo ang issue sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Libya, at may panukala na i-suspend ang VAT. Kung naalala nyo, sabi niya may pinupuntahan ang naturang revenue. Kung tatanggalin natin ang VAT, matatamaan ang mga proyekto ng pamahalaan,” ayon kay Valte.

Maliban diyan, maraming iba pang programa ang pamahalaan ang puwedeng pondohan ng VAT kabilang na rito ang “Pantawid Pasada” fuel subsidy para sa franchise holders ng public utility jeeps.

Wala rin aniyang dahilan para i-audit ang mga libro ng mga kompanya ng langis dahil ang mga ito ay required lamang na magsumite ng kanilang libro sa Securities and Exchange Commission kada taon.

Aniya, pinag-aaralan rin ng Malakanyang ang iba pang possible measures na makakatulong sa situwasyon ng transport sector dahil sa paglobo ng presyo ng langis.

Posible aniyang mapag-usapan ito nina Pangulong Aquino at mga kinatawan ng transport groups sa oras na magpulong na ang mga ito bago pa umalis ang Chief Executive patungong Estados Unidos.

“Magkakaroon tayo ng dialogue with leaders of transport groups. The president wants to hear their concerns [and] find out what ways we can agree on to move forward,” ang pahayag ni Valte.

Samantala, patuloy na tinututukan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin upang matiyak na walang magsasamantala sa kamakailan na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Valte, nagpapalabas naman ng calculations kada linggo ang Department of Energy hinggil sa kung magkano ang adjustment ng presyo ng langis. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply