Palasyo nabahala sa pagbaba ng PHL universities sa world ranking

IKINABAHALA ng Malakanyang ang pagsadsad sa world ranking ng mga pangunahing unibersidad sa bansa.

Matatandaan na lumabas kahapon (Lunes, Setyembre 5) ang bagong ranking ng London based Quacquarelli Symonds(QS), isang kumpanya na espesyalista sa edukasyon at pag-aaral sa ibayong dagat.

Wala ni sia man sa apat na elite universities ng bansa na kinabibilangan ng University of the Philippines, Ateneo De manila University, De La Salle University at University of Sto. Tomas sa top 300 universities ngayong taon.

Ang UP ay nasa ranggong 332, bagsak ng 18 spots mula 314 place noong 2010. Dumausdos din ang Ateneo sa rank na 360 na bumaba mula sa 307 noong isang taon.

Dalawa pang unibersidad ang gumulong pababa sa listahan – ang La Salle na bumagsak mula 451-500 bracket noong isang taon sa 551-600 bracket ngayon at ang UST na hindi pumasok sa top 600 mula sa 551-600 bracket noong isang taon.

Ayon sa Malakyang, dapat na magsilbing wake-up call ito para sa lahat ng ahensya na sangkot sa usapin ng edukasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply