Palasyo nanawagan sa publiko na makipagtulungan sa DTI

NANAWAGAN ang Malakanyang sa publiko na makipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa pagbabantay ng presyo.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na mahalagang maging vigilant ang publiko sa pagbabantay ng presyo sa merkado dahil sa malapit na ang Kapaskuhan at posibleng may magsamantalang negosyante rito.

Ayon kay Valte, madalas na nabibigyan ng pansin at natututukan ng publiko ang pagtaas ng presyo ng langis subalit nalilimutan na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Iginiit ni Valte na limitado lamang ang kapasidad ng DTI kaya kailangan nito ang tulong ng publiko lalo na sa pag mo – monitor ng presyo ng pangunahing bilihin. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply