Palasyo pinagtawanan ang banta ng PISTON

PINAGTAWANAN lang ng Malakanyang ang banta ng militanteng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na maglulunsad pa rin sila ng transport strike.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na kapansin-pansin na paiba-iba ang pahayag ng secretary general ng PISTON na si George San Mateo kaugnay sa naging tugon ni Pangulong Benigno Aquino III sa pulong nila kahapon (Miyerkules, Setyembre 14) sa Malakanyang.

“Alam n’yo ‘yung PISTON po nakakatawa po si Mr. San Mateo eh. Sinabi po niya sa isang interview po yata kagabi, napanood ko, na ang sinagot lang daw ni Pangulong Aquino ay ‘noted.’ Sa totoo po, sa katotohanan po, ang haba-haba ng sinabi—‘nung ‘yung mikropono ay binigay kay Mr. San Mateo ay dumiretso po siya at nagbigay ng napakahabang kwento. In fact, sa gitna ng kanyang pagsasalita, ako po ay napilitang magsabing ‘mawalang-galang na po, ano ba talaga ang tanong n’yo?.” ayon kay Lacierda.

Kaugnay nito, nagbigay ng mungkahi si Lacierda sa mga miyembro ng PISTON na isiping mabuti at timbangin kung kaninong interest talaga ang ipinaglalaban nila.

“Is it your interest that mawawalan po kayo ng kita po sa mga araw na kayo ay magwewelga? Dahil po maayos po ang pag-uusap kahapon eh. We have raised their concerns. We have raised the concerns of various transport groups. Nandoon po kahapon ang mga jeepney, mga bus, provincial bus, city bus. Nandoon rin po ang rent-a-car, mga taxi operators also so we addressed the concerns of the different sectors of the transport groups and, in fact, nasagot po ni Pangulong Aquino at ‘yung mga iba po ay nasabi nga kahapon nila Usec. Valte at Usec. Layug na pag-aaralan po,” ani Sec. Lacierda.

Hindi rin inakala ni Lacierda na iba pala ang plano ni San Mateo matapos na tiyakin nito sa kanya ng personal na hindi sila maglulunsad ng transport strike.

At kung sakali naman aniya na ituloy ng grupo at iba pang transport group ang banta nilang transport strike ay sinabi ni Lacierda na papanagutin ng pamahalaan ang mga ito sa kanilang gagawin.

“Nasabi na po namin na sila po ay humahawak po ng mga prangkisa. They should be responsible for [their] actions. In so far as preparing for any strike.” sabi ni Lacierda.

Ani Lacierda nakahanda ang gobyerno kung sakaling ituloy ng mga transport group ang strike. Sinabi ni Lacierda na nakipagkoordina sila sa MMDA para i-handle ang magiging sitwasyon.

Samantala, pinabulaanan ng Malakanyang na “untouchable” ang “big 3” oil companies kaya’t kahit na anumang araw na naisin ng mga ito na magtaas ng presyo ng langis ay walang magagawa ang gobyerno.

Sa katunayan, ayon sa Palasyo, bukas ang libro ng mga ito sa pamahalaan kung saan ay magkatuwang ang Department of Justice (DOJ) at ang Department of Energy (DOE) na pag-aralan ito.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply