Palea muling magsasagawa ng kilos-protesta

NAKAKASA na ang gagawing kilos-protesta ng Philippine Airlines Employees Association (Palea) mamayang hapon.

Ayon kay Palea president Gerry Rivera, magsisimula ang kanilang kilos-protesta sa Our Lady of Airwaysa Parish dakong alas-3:00.

Ang pag-aaklasa ng Palea ay kaugnay na kanilang pagtutulo  sa PAL spinoff/outsourcing sa tatlong non-core departments nito.

Ikinatwiran nito na ang ginawang pagkilos ng PAL employees ay bahagi ng kanilang karapatan upang iparating sa pamahalaan ang mga isyung sumisikil sa kanila bilang mga manggagawa.

Umapela ang pamunuan ng Philippine Airlines sa mga nagmamatigas na kawaning magsasagawa ng kilos-protesta sa kanilang huling araw.

Dapat isaalang-alang pa rin ang kapakanan ng mga pasaherong tumatangkilik sa PAL.

Ayon sa tagapagsalita ng PAL na si Cielo Villaluna, bagama’t karapatan ng mga kawani, nanawagan pa rin sila na gawin iyon ng mapayapa at maayos.

Inihayag ng ng PAL ang mga apektadong flights at kabilang dito ang mga PAL Departure Flights na lilipad mula sa NAIA Terminal 3:

PR281 Manila – Cagayan 6AM
PR291 Manila – Dumaguete 6:15AM
PR321 Manila – Kalibo 8:55AM
PR133 Manila – Bacolod 10:20AM
PR393 Manila – Tacloban 1:25PM
PR177 Manila – Tagbilaran 2:00PM
PR325 MANILA – KALIBO 5:25PM
PR197 Manila – Puerto Princesa 6:00PM

Pinapayuhan ang mga pasaherong hanapin sa Terminal 3 ang mga itinalagang counters ng PAL.

May mga shuttle buses na maghahatid sa terminal 3 para sa mga pasaherong nasa Terminal 2.

Mayroong 9 cancelled flights naman ang PAL para ngayong araw.

Para sa international flights:

PR 318 : Manila – Hong Kong
PR 319 : Hongkong – Manila
PR 426 : Manila – Fokuoka
PR 425 : Fuokoka – Manila
PR 352 : Manila – Macau
PR 353 : Macau – Manila
PR 501 : Manila – Singapore
PR 512 : Singapore Manila
PR 313 : Hong Kong – Manila

Para naman sa domestic flights papuntang:

Roxas
Dipolog
Cagayan
Tagbilaran
Ozamis
Cagayan de oro
Bacolod

Samantala magbibigay naman ng ayuda ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak ang kaayusan sa gagawing pag-aaklas ng Palea. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply