PALEA tuloy ang protesta vs PAL

PATULOY ang pagpoprotesta ng Philippine Airlines Employees’ Association (PALEA) laban sa layoff at contractualization na ipinatutupad ng Philippine Airlines (PAL) sa mahigit 400 empleyado nito.

Ayon kay Gerry Rivera, presidente ng PALEA at vice chair ng Partido ng Manggagawa (PM), bukod sa isinagawa nilang welga kahapon ay itutuloy pa rin nila ang mga kilos-protesta sa In-Flight Center sa kahabaan ng MIA Road malapit sa Terminal 2.

“The fight is not over. Yesterday PAL employees showed that they are solidly in defiance of the layoff and outsourcing plan. While PAL and the government revealed that they will use overwhelming force to break workers’ legitimate protest,” ayon kay Rivera.

Mariing kinondena ng PALEA ang sapilitang pagtatanggal ng pamunuan ng PAL sa mga empleyado nito gayundin ang umano’y pagtanggap ng kumpanya sa mga inexperienced contractual employee na nagtatrabaho sa tanggapan ng eroplano.

Kaugnay nito, isang forum ang isinagawa ng PALEA kasama ang Archdiocesan Ministry for Labor Concerns (AMLC) ngayon sa Our Lady of the Airways Parish (OLAP) na dinaluhan ng mga pari, madre at ilan pang mga taong-simbahan para suportahan ang ipinaglalaban ng mga empleyado.

Dismayado naman si Rivera kay Executive Secretary Paquito Ochoa, matapos hindi umano nito tuparin ang pangakong makikipagtulungan sa gobyerno para maresolba ang isyu.

Sa halip daw kasi na solusyon ang ibigay ni Ochoa ay pinalala pa nito ang sitwasyon sa labor row ng bansa.

“Ochoa apparently relinquished control to PAL management as it was they ordering PNP personnel and airport police in dispersal operations. Ever since, as author of the Office of the President decision on the outsourcing case, Ochoa has exacerbated rather than resolved the labor row,” saad ni Rivera.

Samantala, inanunsyo ng PAL na hindi na pababalikin sa trabaho ang mga manggagawang nagwelga na naging sanhi ng kanselasyon ng halos 100 domestic at international flight.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply