Paligid ng QCPD station 5 lalagyan ng CCTV

PINAG-AARALAN na ng Quezon City Police District Police Station 5 ang paglalagay ng mga closed circuit television (CCTV) camera sa paligid ng himpilan.

Ito ay matapos tumakas ang siyam na preso noong Miyerkules na pawang mga nakapiit sa detention cell ng nasabing istasyon.

Ayon kay P/Supt. Froilan Relleňas Uy, maliban sa mga CCTV camera, pinag-aaralan na rin nila ang paglalagay ng mga karagdagang jail officer.

Nabatid na dalawang jail officer at isang desk officer lamang ang naka-duty noong nakaraang mga araw nang tumakas ang mga preso.

Samantala, binabakbak na ang ilang bahagi ng seldang dinaanan ng mga suspek sa pagtaklas para malagyan na ng angle bars at mataasan pa ang pader na nakapalibot rito.

Paliwanag ng hepe, hindi muna nila pababalikin ang mga preso doon habang hindi pa naayos ang rehas at habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Sa pinakahuling tala ng tanggapan, lima sa siyam na preso na ang naibabalik sa selda habang tinutugis pa ng tracking teams ang apat para panagutin sa mga kasong nakatakdang isampa laban sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply