Palpak na advisers ni PNoy pinasusuri ang kuwalipikasyon

KINUKWESTYON ngayon ang kuwalipikasyon ng mga legal at political advisers ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III dahil sa umano’y sablay na payo ng mga ito sa Pangulo.

Binalaan ni House Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay si Pangulong Aquino na pag-aralan munang mabuti ang mga ipinapayo ng kaniyang mga adviser bago tuwirang isakatuparan (ang payo) o isapubliko.

Ayon kay Magsaysay, “nakaka-strike 2” na o dalawang beses nang pumalpak si Pangulong Aquino.

Una aniya ay ang paglalabas ng Executive Order No. 1 o ang paglikha sa Truth Commission na kalaunan ay ibinasura ng Korte Suprema at ang ikalawa ay ang pagsasabatas sa pagpapaliban ng ARMM elections na kahapon (Setyembre 13) ay hinarang din ng Korte Suprema sa paglalabas ng temporary restraining order (TRO).

“I think PNoy so that he would not suffer all the setbacks in the Supreme Court should look into the qualifications of his advisers and see to it that they are doing their job in advising him properly,” binigyang diin ni Magsaysay.

Bagama’t wala pa naman aniyang maituturing na impeachable offense ay makabubuti na ngayon pa lamang ay rendahan na ang mga maling payo ng mga palpak na Gabinete.

Sa panig naman ni House Deputy Speaker Danilo Suarez, sinabi niyang dapat ng magtanggal ang Pangulo ng mga opisyal na nagpapahamak sa kaniya na bukod sa palpak na hakbang ay nasasayang pa ang pondo at panahon ng gobyerno.

Kabilang sa mga nais ipasibak ng Minorya ay sina Presidential Legal Adviser Eduardo de Mesa at Solicitor General Jose Anselmo Cadiz.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply