Arabo kinasuhan ng pamilyang Pinoy sa UAE

SINAMPAHAN ng reklamo ng isang pamilyang Pinoy ang tsuper na Arabo matapos molestiyahin ang kanilang 12-anyos na anak noong Hulyo sa United Arab Emirates (UAE).

Sa ulat na ipinalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), nagsimula ang pagdinig ng kaso noong Linggo, Setyembre 4, sa Court of First Instance.

Sinabi ng ina ng biktima, nagtungo noong Hulyo 8 ang akusado kasama ang tatlo pang katrabaho sa bahay ng pamilya ng biktima sa Al Qusais upang ikumpuni ang nasirang airconditioner habang ang ginang ay abala sa ibang gawain.

Ayon sa biktima, ngumiti sa kanya ang akusado bago sya hinatak sa loob ng silid ng kanyang ina at hipuan sa maselang bahagi ng katawan.

Mabilis na nagtatakbo ang dalagita sa kanyang ina at nagsumbong kaya kinompronta ng ginang ang akusado na noon ay nagkukumpuni ng sirang airconditioner sa loob ng silid.

Ayon sa ginang, humingi ng paumanhin ang akusado bago pa dumating ang mga gwardya ng gusali na kanilang tinitirhan.

Ilang minuto lamang ay dumating na ang mga pulis at dinala sa police headquarters ang akusado.

Hindi binanggit sa ulat kung kailan muling didinggin sa korte ang kaso ng Arabong manyakis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply