Pang-anim na plunder ikinasa kina GMA, FG

SA ika-anim na pagkakataon ay sinampahan ng kasong plunder sa Ombudsman si dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at kanyang mister kaugnay sa maanomalyang National Broadband Network-ZTE Corporation project noong 2006-2007.

Sa 24 pahinang reklamo, bukod kay GMA ay sinampahan din ng Makabayan Party ng kaparehong kaso sina dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at dating DOTC Secretary Leandro Mendoza.

Kabilang sa complainant sina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, dating Gabriela Rep. Liza Maza at Mari. Carolina pagaduan-Araullo, chairperson ng Bagong  Alyansang Makabayan(BAYAN).

Nakapaloob sa reklamo na kahit batid ni GMa na may iregularidad sa kontratang US$329.48 milyon o P16 bilyon sa ZTE Corporation na nilagdaan noong 21 April 2007 ay hindi umano nito pinigil sa halip ay dumalo pa ito sa lagdaan sa Shenzen, China.

Ibinase rin ng Makabayan ang kanilang reklamo sa impormasyong nakalap sa pagdinig ng Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations (Blue Ribbon Committee).

Ginamit din ng Makabayan ang pahayag ni dating NEDA Secretary Romulo Neri na siya ay tinangkang suhulan ni Abalos ng P200 milyon sa pagsasabing “Sec, may two hundred ka dito.”

Umaasa ang Makabayan na aaksyunan ng bagong  Ombudsman ang mga reklamong inihain laban sa mga dating opisyal ng administrasyong Arroyo na nasasangkot sa katiwalian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply