Pangasinan pinag-iingat; San Roque Dam bubuksan

NAG-ANUNSIYO na ang pamunuan ng San Roque Multi-Purpose Dam na bubuksan nito ang kalahating metro ang isang gate alas 12:00 ng tanghali ngayong araw, Setyembre 29.

ito umano ay paghahanda sa paparating na bagyong si Quiel ayon kay Engr. Tom Valdez.

Umabot na umano sa 280 meters above sea level ang water elevation ng naturang dam kung kaya’t kailangan na ito magbawas lalong-lalo na may paparating pang isang bagyo.

Ang mga bayan na dadaanan ng tubig ay ang San Manuel, Tayug, San Nicolas, Rosales, Santa Maria, Villasis, Santo Tomas, Carmen, Alcala, Bautista, Mangatarem, Bayambang Bugallon at Aguilar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply