Pangunahing kalsada sa Cordillera nadadaanan na

DOBLE-KAYOD ang clearing crews ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para tiyaking hindi mapaparalisa ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Cordillera Administrative Region.

Sa panayam, sinabi ni Edilberto Carabacan, regional director ng DPWH, na pansamantalang isinara sa daloy ng trapiko dahil sa landslides ang Marcos, Quirino at Halsema Highways, Kennon Road, Benguet-Nueva Vizcaya Road at siyam na iba pang lansangan sa CAR habang nasa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pedring.

Bukod dito, apektado rin ng mga pagguho ng lupa ang mga lansangan sa Benguet at Ifugao matapos bumagsak ang isang tulay sa Lagawe dahilan para mapalayo at kinailangan pang umikot ng mga motorista para makatawid.

Samantala, bago magtanghali kahapon, naalis na ng DPWH personnel ang mga landslide sa pagitan ng Camps 2 at 3 sa Kennon Road at maging sa Atok, Ambassador at Tublay sa Benguet.

Ayon kay Caranacan, nakakadaan na ang mga light vehicle sa nasabing mga kalsada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply