Panibagong anomalya nangangamoy sa PNP

HINDI pa nalalampasan, may panibagong anomalya na naman ang nangangamoy sa Philippine National Police (PNP) matapos matuklasan ng Senado na hindi nagangamit ng pulisya ang halagang P4.897 bilyong pondo para sa pangangalap ng 25,000 bagong tauhan.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on finance sa P95 bilyong badyet ng Department of Interior and Local Government (DILG) at PNP, sinabi ni Drilon na mayroong P4.897 bilyong pondo ang pulisya upang kumalap ng bagong pulis.

Ngunit ayon kay Drilon, mukhang masyadong pinalobo ang badyet na siyang pagmumulan ng anomalya dahil hindi kakayanin ng PNP na kumalap ng panibagong 25,000 bagong tauhan sa loob ng 18 buwan simula ngayon.

Umaabot sa P65 bilyon ang badyet na hinihingi ng PNP para sa 2012,at P49 bilyon dito ang badyet para sa personnel services ng mahigit 139,000 warm bodies at P16 bilyon para sa pensiyon ng 62 retirado.

Mula sa P49 bilyon, inihiwalay naman dito ang halagang P309 milyon upang kumalap ng 3,000 bagong pulis para sa 2012, pero mayroong panibago at nakahiwalay na P4.897 bilyon para sa unfilled positions.

“However there is also in the Miscellaneous Personnel Benefit Fund (MPBF) which is the item where budgets for unfilled position are placed an amount of P4.897 billion and we assume this is for the unfilled PNP positions,” paliwanag ni Drilon.

Sa pagtataya ni Drilon, aabot sa 18,834 bagong tauhan ang dapat makalap ng PNP sa P4.987 bilyong pondo na hiwalay sa 3,000 na dapat mangalap para sa 2011 at panibagong 3,000 para sa 2012.

“The average amount spent per PNP hire is about P260,000 per year so that if you are just going to compute this there are in this manner, meaning P4.897 billion under the miscellaneous personnel benefit fund for the PNP, you divide that budget for unfilled position by P260,000 which is the cost per hire, you come up with about 18,834 unfilled position.,” giit ni Drilon.

“Plus 3,000 under the current 2011 budget, plus another 3,000 in 2012, you are looking at 25,000 positions in the PNP. They are saying that this is not accurate,” dagdag ni Drilon.

Dahil dito, inatasan ni Drilon ang pamunuan ng PNP na mahigpit na ipaliwanag ang nilalaman ng naturang gastusin sa paniniwalang pinalobo ang badyet na siyang mapagkukunan ng anomalya.

“There is a explanation for this. We will await this explanation because unless properly explained it would appear to me to be a bloated budget for personnel as we cannot possibly imagine the PNP being able to hire 25,000 for the next 18 months ending December, or for the next 16 months ending December 2012,” ayon kay Drilon

“Something is erroneous with this figure because if this is correct, then the budget has been bloated for the last several years. This is one area that we will be looking at again,” patapos ng senador. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply