Para iwas dami ng anak, kabahayan paiilawan sa DoE

NANINIWALA si Senador Ralph Recto na dapat ituon na lamang ng gobyerno ang pondo para sa pagbibigay pailaw sa mga bahay na walang kuryente para maiwasan ang paggawa ng bata.

Ito ang pahayag ni Recto sa patuloy na itinutulak ng gobyerno na Reproductive Health (RH) bill.

Payo ni  Recto sa Department of Energy (DOE) na malaki pa ang kakulangan o kawalan ng kuryente sa bahay ng bawat pamilya na konektado sa pagtaas ng populasyon sa bansa.

“2.8 million (households) don’t have electricity and how many million have brownouts. And how many babies are created because of those brownouts?” paliwanag ng senador.

Binanggit pa ni Recto na imbes gumastos pa ang gobyerno ng P3 bilyon kada taon para sa pamamahagi ng condom, pills at iba pang uri ng contraceptives oras na maaprubahan at maging batas ang RH bill, makakamura pa ang gobyerno kung gagastusin na lamang ito sa elektripikasyon ng mga barangay na wala pa ring kuryente sa ngayon kung saan P2 bilyon lamang kada taon ang inaasahang magagastos hanggang 2017.

Sa ganitong paraan, parang “nakatama ng dalawang ibon sa isang bato lamang” ang gobyerno dahil bukod sa maiilawan ang buong Pilipinas, makokontrol pa ang paglobo ng populasyon sa bansa.

Kasabay din nito, kinuwestiyon din ni Recto ang napakalaking pondong inilalaan ng gobyerno sa conditional cash transfer (CCT) na papalo ng halos P40 bilyon sa susunod na taon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply