Paragua walang talo sa simultaneous chess exhibition

MULING bumalik ang pangil ni GM Mark Paragua matapos ang kagila-gilalas na performance sa simultaneous chess exhibition na ginanap kamakailan sa ESSEL Marketing sa San Fernando City, Pampanga.

Si Paragua ay naglaro sa 20 boards at nagtala ng 19 wins at isang draw katumbas ng 97.5 percent performance. Ang selected players ay top 20 sa ESSEL Marketing chess tournament.

Sina Asia’s first GM Eugene Torre at GM Darwin Laylo ay nagsagawa din ng simultaneous chess exhibition sa mga nakalipas na taon.

Sina Paragua at Laylo ay parehong miyembro ng Philippine Team patungo sa 2011 Southeast Asian Games sa Nobyembre sa Jakarta, Indonesia. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply