Parangal kay PNoy tagumpay ng Pinoy

PAGKILALA sa Pangulo, dangal ng lahing Filipino.

Nitong nakaraang linggo ay bumiyahe patungong Estados Unidos ang Presidente ng ating bansa para makipagpulong sa ilang  kilalang tao roon, kabilang na ang pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa na si US President Barrack Obama.

Sa loob ng apat na araw ay nanatili sa Amerika ang Pangulo at doon ay iniangat niya ang pangalan ng lahing Filipino matapos siyang parangalan at gawaran ng Honorary Doctor of Laws sa Fordham University. Isa ako sa nabigyan ng pagkakataon upang saksihan at subaybayan ang kanyang 4-day visit sa US, matapos akong mapabilang sa kanyang delegasyon.

Sa unang araw ng Pangulo sa US ay nagtungo siya sa Fordham University sa New York City kung saan binibigyan ng parangal ang head of states. Katunayan anim na leader mula sa Pilipinas ang nabigyan doon ng parangal mula sa panahon ni Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos Garcia, Diosdado Macapagal, Corazon Aquino, Fidel Ramos at Gloria Macapagal Arroyo.

At ngayon ngang  pagbisita ng Pangulong Noy sa nasabing unibersidad ay mapalad siyang naparangalan matapos mabigyan ng Honorary Doctor of Laws at maiukit ang pangalan sa Terrace of the Presidents ng nasabing unibersidad kung saan makikita ang mga nakaukit na pangalan ng mga Presidenteng pinarangalan ng Fordham University.

“These names include seven of my predecessors, including that of my mother. I am struck by the symbolism of Fordham’s tradition of literally carving in stone, the names of leaders upon whom you have conferred honorary doctorates. Memorialized in this manner for all time, these names serve as proof positive, or proof negative of this university’s considered judgment in bestowing this honor. It serves as a permanent reminder that the verdict of history on those who have been accorded this distinc-tion will neither be deferred, nor ignored. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply