Pari kinasuhan ng panghahalay

SINAMPAHAN na ng kaso ang isang pari makaraang masangkot sa panghahalay sa isang college student sa Nabunturan, Compostella Valley.

Nabatid na sa limang pahina ng resolusyon na nilagdaan ni Justice Undersecretary Leah Tanodra-Armamento, inatasan ng Justice Department ang provincial prosecutor ng Compostella Valley na isumite na sa korte ang impormasyon para sa rape case laban kay Fr. Melvin Dela Cuesta.

Base sa sinumpaang salaysay ng complainant na kinilala lamang sa pangalang Ara, 21, third year BS Office Administration student sa Assumption College ng Nabunturan, nagkakilala umano sila ng suspek nang nagtrabaho siya bilang part-time clerk sa St. Therese of the Child Jesus Parish.

Ayon pa kay Ara, Hulyo 23, 2006 nang tinawag umano siya ni Dela Cuesta para magpahintay sa kombento kung saan hinintay naman umano niya ito at nagpamasahe ang pari.

Laking gulat ng dalaga nang mauwi sa panghahalay ang kanyang pagmamasahe at nagtangka pa umano siyang manlaban ngunit malakas ang pari at naisakatuparan pa rin nito ang masamang balak.

Nagsumite ang biktima ng medical certificate noong Agosto 2, 2006, kung saan sinasabing nagkaroon ng genital injury ang dalaga.

Kaugnay nito, isang Jo Ann Sapotera naman kumontra sa alegasyon ni Ara at sinabing naikuwento ni Ara na nakipagtalik ito sa kaniyang boyfriend na si Jemry “Nonoy” Garceza nang maraming pagkakataon, kaya posibleng ito ang dahilan ng vaginal lacerations.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply