Pasaporte makukuha na sa loob ng 30 araw

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) Regional Office na maaari nang makuha ang pasaporte sa loob na lamang ng 30 araw mula sa dating 60 working days processing.

Sinabi ni Ceres Jaka-Ginauli, officer-in-charge ng DFA Regional Office, na hindi maaabala ang isang aplikante o maiinip na makuha ang pasaporte sa loob ng 30 araw

Sa halagang P1,200 ay makukuha na ang electronic passport sa loob ng 30 days at P950 naman sa loob ng 40 days.

Para naman sa mga mag-eexpire na ang passport, ang kailangan lamang ay mag-apply para sa extension ng validity ng kanilang existing passports sa halagang P200 sa halip na mag-apply para sa renewal.

Magugunita na umapela sa publiko ang DFA lalo na sa mga manlalakbay dahil sa pagkabalam sa release ng mga pasaporte lalo na sa mga probinsya dahil sa technical concerns at malaking demand sa e-passport. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply