Pasay BPLO, treasurer’s office sagad sa kotong

MARAMING negosyante sa Pasay City ang nais mag-parating kay Mayor Tony Calixto ng kanilang reklamo laban sa ilang  “bugok na itlog” na naglulungga riyan sa Business Permit and License Office at Office of the City Treasurer ng Pasay City Hall.

Sagad umano sa kako-kotong araw-araw ang mga animal kaya’t daing kay Mayor Calixto na aksyunan sa lalong madaling panahon ang mga hinayupak na ito.

Reklamo ng mga negosyante laban sa BPLO, hindi kaagad naaaprubahan ang kanilang mga papeles kapag walang “lagay.” Sa madaling salita, iniipit ang papeles nila sa loob ng BPLO kahit pa abutin ito ng ilang buwan o taon.

Magandang halimbawa nito ay ang bagong bukas na club na malapit sa City Hall na dati nang ipinasara ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa kasong trafficking of minors.

Bagama’t matagal nang nag-aplay ang bagong may-ari ng club, hanggang ngayon ay ayaw pa rin ng BPLO na isyuhan ito ng Mayor’s Permit.

Bakit?  Pinipiga kasi nila na sumuka ang negosyante ng P3 milyon bilang “good-will money” samantalang walang iligal ang nasabing club – walang bar fine, bold shows at “gimik” sa loob at ‘di katulad ng ibang mga spa o sauna bath, KTV at club sa lungsod.

Ewan ko lang kung totoo ang sinabi sa akin ng kalbong photographer diyan sa City Hall na may pinagpapartihang malaking halaga ng kinitang kuwarta sa BPLO kada buwan.

Ang kinitang iyan ay resulta ng pangongotong nila sa mga aplikante ng permit at mga negosyante.

Bukod pa rito ang ginagawa nilang pag-orbit kada linggo sa mga establisimyento sa lungsod na may “sabit” sa lisensiya at permit.

Kaya nga umano tuluyan nang nanahimik ang isang madainging talunang kandidato ni Mayor Calixto dahil nabibigyan na rin ito ngayon ng parte sa buwanang kita ng sindikato.

Sagad sa kita ang BPLO.

Hindi ko lang makontak ang dating namumuno nito dahil nagkasakit.

Pinalitan muna at ang humalili ay isang batang abogado.

Ewan ko lang kung alam niya ang operasyon ng sindikato sa BPLO.

Abangan n’yo sa susunod ang sindikato sa Office of the City Treasurer!

* * * * * * * *

CYTOTEC SA PALIGID NG QUIAPO CHURCH

Patuloy pa rin ang bentahan ng abortion pills na Cytotec diyan sa paligid ng simbahan ng Quiapo at ilang bangketa na di kalayuan sa nasabing lugar.

Kilala naman daw ng mga awtoridad kung sino-sino ang nagbebenta –dahil madalas nilang hulihin sa tuwing kakalampagin ang mga ito.

Pero ‘di nagtatagal at balik na naman muli sa pagbebenta ang mga ito ng ipinag-babawal na gamot.

Sa text sa akin mula sa numerong 09186113378, nais niyang ipakalampag itong si P/Insp. Von Possil.

Marahil ay taga-MPD Station 3 ang mamang pulis.

Kung ano ang dahilan at ipinakakalampag siya ng ating texter, siya lang ang tanging makasasagot.

Manila Mayor Fred Lim at Maj. Mar Reyes ng CHAPA-GAS, ano bang klase ng lakas meron sa inyo ang mga nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot na ito at mukhang hindi n’yo mapahinto?

Baka magalit na sa inyo ang simbahan niyan! Kayo rin.

* * * * * * * *

Anomang reklamo, ko-mento o suhestiyon, mag-text o tumawag lang sa 09994333437 o kaya’y mag-email lang sa boyetmunar-@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply