PASI mahigpit sa mga delatang pa-expire na

MAHIGPIT ang panuntunan ng Philippine Association of Supermarkets (PASI) sa mga produktong delata na malapit na ang expiration date.

Ayon kay PASI Secretary General Federico Ples, itinatawag nila ito sa mga supplier para mapalitan sa layuning mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga mamimili.

Sinabi pa ni Ples na kapag nakuha na ang mga produktong malapit na mag-expire mula sa kanila ay wala na silang ideya kung ano ang ginagawa rito ng mga supplier.

Bukod dito tiniyak din ng PASI na mananatili parin sa kasalukuyan ang presyo ang mga de lata sa merkado.

Ayon kay Ples, plano palang ang pagtaas ng presyo dahil hindi pa ito pinapayagan ng department of trade and industry.

Samantala, kung plano pa lang aniya ang pagtaas ng presyo sa mga de lata ay nararamdaman na ngayon ang mas mababang presyo ng Pinoy Tasty. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply