Paslit aksidenteng natamaan ng shotgun ng ina

KASALUKUYANG naka-confine sa ospital ang isang taong gulang na paslit makaraang aksidenteng masagi ng ina ang improvised 12-gauge sotgun na nasa aparador at pumutok habang naglalaro sa Alimodian, Iloilo.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang baril ay nakalagay sa aparador at aksidenteng nasagi ng ina ng biktima habang naglilinis ng bahay.

Dahil dito, pumutok ang baril at tinamaan sa kamay ang bata na kasalukuyang naka-confine sa Western Visayas Medical Center (WVMC).

Ayon sa ina ng bata, hindi nila pag-aari ang baril at iniwan lamang umano ito sa kanilang bahay ng kaibigan ng kanyang asawa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply