4-anyos paslit butas ang puwet sa stray bullet

BUTAS ang puwet ng apat na taong gulang na lalaki  na nagising sa mahimbing na pagkakatulog makaraang tamaan ng ligaw na bala sa isla ng Boracay, sa ulat ng pulisya kanina.

Sa report na nakarating sa Camp Crame mula sa Boracay Special Tourist Protection Office (BSTPO), isang paslit ang tinamaan ng ligaw na punglo habang natutulog bandang alas 12:00 ng hatinggabi sa Barangay. Manoc-manoc sa isla ng Boracay.

Kinilala ang biktimang si Yuri Bryan Gelito, ng nasabing lugar, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tagiliran at tumagos pa sa puwet.

Base sa inisyal na pagsisiyasat sa mga magulang ng biktima, naalimpungatan sila sa narinig na alingawngaw ng putok ng baril mula sa di kalayuan.

Sinasabing biglang sinakmal ng takot ang mga magulang ng bata nang marinig na umiiyak ito at makitang duguan.

Agad namang naitakbo ang bata sa provincial hospital at kasalukuyan pa ring inoobserbahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply