Paslit kinatay ng tiyahin na may sayad

DEAD ON THE SPOT ang apat na taong gulang na batang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang tiyahin na may sayad sa ulat ng PNP nitong Martes sa Palawan.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa loob ng bahay ng biktima sa may Barangay. Bagong Bayan, Roxas, Palawan.

Habang nanatili pa rin sa kustodiya ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Cristina Martisano, 24, sinasabing may sakit sa pag-iisip.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, bigla na lamang nilapitan ng tiyahin ang paslit na pamangkin at ilang ulit tinaga sa batok na naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.

Sa pahayag ni P/Insp. Magdaleno Pimentel, hepe ng PNP Roxas, lumabas sa kanilang ginawang imbestigasyon na wala sa normal na pag-iisip ang tiyahin.

Subalit malaking balakid umano sa dispensasyon ng hustisya ang pag-aatubili ng pamilya na maghain ng pormal na reklamo laban sa suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply