Paslit nalunod sa baha sa Bulacan, patay

NAMATAY ngayong hapon ang isang batang lalaki matapos na malunod sa baha sa Bulacan.

Ayon sa ulat, habang lumilikas ay bumalik ang naturang bata, na hindi pa nakuha ang pangalan, sa bahay nito na naging dahilan nang pagkalunod nito sa baha.

Nagulat na lamang ang mga taong lumilikas at maging ang miyembro ng National Red Cross na nagkakasa ng rescue operations sa lugar nang biglang lumutang ang bata sa baha.

Matatandaan na ilang araw ng lubog sa baha ang malaking bahagi ng Bulacan dahil sa mga pag-ulan at pagpapakawala ng tubig ng ilang dam.

Iniimbestigahan na ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply