Paslit patay, 37 kabahayan winasak ng buhawi

ISANG batang lalaki ang nasawi at 39 na kabahayan ang nasira dahil sa tornadong tumama sa tatlong barangay sa Valencia City, lalawigan ng Bukidnon.

Sinalanta ng tornado ang mga barangay ng Batangan, Kahaponan at Tongantongan sa nasabing lungsod.

Winalis nito ang 37 kabahayan samantalang dalawa naman ang bahagyang nasira habang namatay naman sa naturang kalamidad ang isang taong batang si James Alumin ng Barangay Batangan.

Nasugatan naman ang apat pang mga residente na kinilalang sina Mary Grace Alumin, 22, Gogelyn Versaga, 15, Sinisa Versaga, 48, at Elton Galsin, 23.

Ayon sa ulat ng NDRMMC, umabot ng 40 pamilya ang naapektuhan ng tornado.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply