Paslit patay sa sagasa, driver malubha sa saksak

PISAK ang 5-anyos na babae, habang kritikal naman sa saksak ang driver na nakasagasa sa una nang pagsasaksakin ng mga tambay na nakasaksi sa insidente sa Quiapo, Maynila.

Si Melanie Amerol, ng 913 Arlegui St., Quiapo, Manila ay hindi na nagawang maisugod sa pagamutan nang mamatay agad sa lugar ng insidente.

Samantala, malubha naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Ronnel Samson, 20, ng Blk. 9 Lot 19, Montalban Rizal, dahil sa mga saksak na tinamo sa ilang tambay sa lugar.

Batay sa report, 10:00 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Arlegui St., Quiapo.

Nabatid sa report na nagmamaneho si Samson ng kanyang ipinapasadang jeep (TXN-115) na may biyaheng Quiapo; Punta Sta.Ana, nang biglang tumawid ang paslit kaya nagulungan ang

katawan nito na kaagad ikinamatay.

Nakita naman ng ilang tambay ang pangyayari, kaya sa galit ay hinarap ang tsuper ng jeep saka pinagsasaksak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply