Pasukan sa Setyembre isusulong na ng Senado

PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Education ang mungkahi ni Senador Franklin Drilon na gawin na lamang sa Setyembre ang pagsisimula ng pasukan sa mga paaralan.

Ito ang naging pahayag ni Drilon matapos ang pagdalo sa pagdinig ng budget hearing ng panukalang badget ng DepEd na P191 billion para sa taong 2012.

Ayon kay Drilon, sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na pinag-aaralan na nila ang panukalang paglipat sa buwan ng Setyembre ang pagsisimula ng pasukan kada taon.

Aniya, inamin umano ni Luistro sa pag-aaral ng DepEd na mas marami ang naging pagkakansela ng mga klase mula sa Hunyo hanggang Disyembre, dahil sa pag-uulan kung ikukumpara sa buwan ng Enero hanggang Mayo.

Naniniwala si Drilon na kapag natupad ang pag-uurong ng pasukan sa paaralan sa buwan ng Setyembre, hindi na mahihirapan ang mga mag-aaral na pumasok dulot ng pag-ulan at hindi na masasakripisyo ang kanilang edukasyon dahil sa pagkakansela ng mga pasok sanhi ng mga bagyo at malakas na pag-ulan lalo na sa Metro Manila na dumaranas ng mga pagbaha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply