Patakaran sa CCTP rerepasuhin ng DSWD

BABAGUHIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patakaran kaugnay sa conditional cash transfer program (CCTP) ng pamahalaan.

Ayon kay Social Secretary Dinky Soliman, kabilang sa kanilang pag-aaralan ay ang pagpapataw ng parusa sa sinumang manloloko o magbibigay ng maling impormasyon sa layuning makasali lang sa serbisyo at makakuha ng mga benipisyo ng programa.

Aminado naman si Soliman na sa kasalukuyan nilang patakaran, walang parusa sa mga nagpapanggap na kuwalipikado sa CCTP.

Una nang tinanggal ng DSWD sa listahan ang mahigit 2,000 pamilya matapos madiskubreng may regular na sahod ang mga miyembro nito at wala ng anak na nasa edad 14 pababa na dapat makinabang sa perang ipinamumudmod ng kagawaran.

Nakatakdang repasuhin at ipatupad ang bagong patakaran sa darating na Oktubre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply