Patalbugan sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz

NAGPAPAKABUGAN talaga sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz kung sino talaga ang crush ng bayan sa dalawa. Sa mga baguhang artista at maging sa mga beauty queens, pangalan nila ang madalas mabanggit pag tinatanong kung sino ang crush nila.

Ang Mutya ng Polangui Turismo at  Mutya ng Ibalong 2011, prestigious beauty contest in Bicol na si Keshia Mae C. Dee ay buong ningning na sinabing si JL ang crush niya. Magaling daw itong actor, simple at strong ang personality.

Pero mas type niya ang mas matanda sa kanya kesa sa mga bagets.

“Hindi ko mamahalin kung hindi niya mahal ang pamilya niya,” sey pa niya.

Lumabas na rin si Keshia sa “My Darling Aswang” ni Vic Sotto sa TV5 at naging sirena ni Marian Rivera sa “Dyesebel” ng GMA7. Pero ang idol niya ay si Angel Locsin dahil mabait at mahilig sa aksyon. Wala pa raw siya nababalitaan na nagmaldita ito. Naghahanap siya ngayon ng matinong talent manager para sa kanyang showbiz career.

Right now, nagte-train si Keshia para sa binabalak niyang pagsali sa Bb. Pilipinas kay Jerome Balute na nag-train din kina Venus Raj at yumaong Bb. Pilipinas International 2009 Melody Gersbach.

Third year student si Keshia Mae PATTS College of Aeronautics.

Talbog!

***

NAGSALITA na si Vice Ganda tungkol sa alitan nila ni Boss Vic Del Rosario at kay Direk GB Sampedro nang magkaroon ng presscon ang Globe Superunlialltext25.

“Actually, ayoko na sanang masyadong pag-usapan ‘yan…kasi pag ako nagsalita pa ng masyadong mahaba, may mga taong mapapahiya,” bungad niya.

“Nung mga panahong nagsasalita sila tungkol sa isyung ‘yan, nanahimik ako, pinapahiya nila ako pero okay lang, ipahiya n’yo ako nang ipahiya.

Kaya lang kasi, may mga taong mapapahamak pag nagsalita ako nang totoo.

“’Yung kay direk GB, hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng sama ng loob sa akin kasi, natapos at natapos ang konsiyerto nang maayos kami. Kaya kung may something siya sa akin, hindi ko alam. Na kung meron man, dapat sinabi niya sa mukha ko, di ba?

“Kaya kung meron, pasensiya, kung na-offend ko siya kung anumang pamamaraan. Maga-apologize ako sa kanya kung sinabi niya sa akin. Wala naman siyang sinasabi kaya hindi ko alam.

“Si Boss Vic, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. Honestly, sasabihin ko na ngayon pa lang, sumama ang loob ko kay Boss Vic, pero na-resolve na namin.

“Ang totoo, hindi si Boss Vic ang sumama ang loob. Ako ang sumama ang loob kay Boss Vic, pero ni-resolve ni Boss Vic ng maayos kaya natapos at nagawa namin ang show nang matiwasay.

“In fact, right after the concert, they were asking for a repeat. Kung hindi kami okay ni Boss Vic, bakit siya magpapa-repeat, di ba? At saka, mina-manage ni Boss Vic ang endorsement ko. After ng concert, binigyan ako ng panibagong proyekto ni Boss Vic.

“Kaya kung hindi kami okay ni Boss Vic, (bakit) ang dami niyang proyektong ibinibigay sa akin. Ang ‘Private Benjamin,’ under Viva Films, ang album ko, kay Boss Vic din, lahat. Ang daming nangyayari sa kabuhayan ko ngayon na may kinalaman si Boss Vic. Kung hindi kami okay, hininto na naming lahat ‘to. Kaya kami ni Boss Vic, okay na okay,” deklara ni Vice Ganda.

Nakiusap din siya na tapusin na ang issue ni direk GB at huwag nang pahabain pa dahil matagal na raw tapos ang concert.

Tumanggi na rin siyang sagutin pa ang ilang tanong about the issue dahil gusto na raw niya talagang tapusin ito at ayaw naman daw niyang masabing ginagamit ang issue sa pagpo-promote niya ng Globe.

***

LAGING natatanong ngayon si Ali Sotto tungkol kay Amy Perez at sa show na Face To Face dahil may hawig ito sa bago niyang show na “Personalan.”

Nagkausap na sila ni Amy?

“Hindi pa pero FB friend ko siya. Anytime puwede niya akong i-PM (private message), puwede ko din siyang i-PM, di ba?”

Meron ba siyang celebrities na gustong i-guest?

“Na mag-pepersonalan? Dapat, kailangan yung now na issue, di sana nun si Marian (Rivera) at si Heart (Evangelista), pinagharap ko sana noon dito. Ha! Ha! Ha! Pagharapin natin si Heart at si Marian,” muling tumatawang sinabi ni Ms. Ali.

“Si Willie (Revillame) tsaka si John Estrada,” tumatawa pa ring sinabi ni Ms. Ali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply