Patubig program palalawakin

PALALAWAKIN pa ng liderato ng Pangulong Benigno Aquino III  ang programa sa pagpapatubig para sa maliliit na magsasaka sa mga lugar na hindi naaabot ng national irrigation systems.

Ang Department of Agriculture (DA) Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ay nakapagpatayo na ng mahigit P5 bilyong halaga ng irrigation systems mula 1974 at 2010 sa mga komunidad na walang irigasyon.

Kabilang sa naitayo ang Small Water Impounding Projects (SWIPs), Small Farmer Reservoir (SFRs), Shallow Tube Wells (STWs) at ang small diversion dams.

Alinsunod sa adhikain ng Pangulong Aquino na mapaunlad ang industriyang pang-agrikultura, patuloy na tutulong sa mga magsasaka magtayo pa ng mga naturang alternative  irrigation systems.

Ayon kay BSWM Executive Director Silvino Tejada, napakahalagang matulungan ang mga magsasaka lalo na sa mga komunidad na walang patubig, kundi’y wala silang aanihin at maapektuhan ang national food output at pambansang seguridad.

“Hindi sila makapagtatanim nang husto kung walang sapat na patubig kaya iyan ang isa sa priyoridad ng Kagawaran ng Agrikultura sa ilalim ni Kalihim Proceso Alcala,” sabi ni Tejada.

Napatunayan na ang SWIPs ay epektibo sa may matinding wet and dry seasons tulad ng northern Philippines. Sa tag-ulan, ang excess water ay nakokolekta ng SWIPs at nagagamit sa dry season,” ani Tejada.

Umabot sa P3 bilyon ang halaga ng naipatayong 2,060 SWIPs sa buong kapuluan mula 1974 hanggang 2010, na sumaklaw sa 84,168 ektaryang lupain para sa 64,266 farmers. Habang ang BSWM ay nagtayo ng 22,282 SFRs sa halagang P170 million, sa 22,282 hectares na pataniman ng 22, 282 magsasaka.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply