Pawnshop nilooban: P3.7M tinangay

TINATAYANG P3.7 million halaga ng alahas at cash ang natangay ng mga nanloob sa isang pawnshop sa lungsod ng Laoag.

Nabatid na binuksan ng mga kawatan ang dalawang vault ng pawnshop.

Bago ang pagnanakaw, nakatanggap na ng babala ang may-ari at bantay na pinagtatangkaang looban ang kanilang pawnshop ngunit binalewala lamang nila ito.

Narekober naman sa pinangyarihan ng pagnanakaw ang mga gamit ng mga suspek kabilang na ang acetylene tank, tangke ng gasullete, hose, regulator, screw driver, jack at 15 piraso ng kahoy.

Habang ang isang kanal patungo sa tapat ng pawnshop ang nagsilbing entry point ng mga suspek at ang dike naman ang kanilang exit point.

Kasalukuyan namang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply