PCG: Mga pasahero sa sumadsad na fast craft, ligtas

INIULAT ng Philippine Coast Guard na kanilang nailigtas ang mga sakay ng M/V Weesam Express 8 na sumadsad sa Lawis ledge, Talisay City, Cebu, na umabot ng 212 na pasahero at 13 crews.

Nabatid na galing ang barko sa Tagbilaran, Bohol at patungong Cebu ng ito’y sumadsad.

Mabilis ang naging responde ng PCG dahil sa isang information galing mismo sa isang pasahero ng sasakyang pandagat. Walang nasaktan sa naturang insidente.

Nagsaga naman ng imbestigasyon ng PCG hinggil sa naging sanhi ng pagsadsad nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply