PCG nagbabala sa fake emergency calls

NAGBABALA ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga fake emergency call.

Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Ramon Liwag, maaaring maparusahan ang sinumang manlalaok na hihingi ng tulong sa kanila subalit mapapatunayang hindi totoo.

Ito ang pahayag ni Liwag matapos ang kanilang isinagawang search and rescue operation sa 15 mangingisda na sinasabing nawawala na kasama ng tatlong nailigtas matapos tumaob ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Bataan.

Sinabi ng opisyal na nagpalipad sila ng kanilang mga eroplano upang makatulong sa mga search and rescue vessel sa paghahanap pero matapos ang operasyon ay hindi nakita ang sinasabing nawawala.

Muling ipinatawag ng coast guard ang mga nailigtas at inamin ng mga ito na tatlo lamang silang sakay ng tumaob na bangka at hindi totoo na may kasama pa sila gayundin ang sinasabing pagpunta nila sa bahagi ng West Philippine Sea (South China Sea) ay imbento lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply