PCG nakaalerto na sa bagyong ‘Quiel’

NAKAALERTO na ang lahat ng Coast Guard units sa bansa para sa pagdating ng bagyong “Quiel.”

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ramon Liwag, inatasan na nito ang lahat ng Coast Guard District Commanders na maghanda sa posibleng pananalasa ng panibagong bagyo.

Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa lahat ng local government units upang magbigay-babala sa mga mangingisda na nagnanais na pumalaot.

Pinaalahanan na rin ng Coast Guard Districts ang lahat ng coast guards stations at coast guard detachment na makipag-ugnayan sa mga residente na nasa coastal area at mga mangingisda para maiwasan ang posibleng kapahamakang idulot ng nasabing bagyo.

Maging ang mga maliliit na sasakyang pandagat na bababa sa 1,000 gross tons ay pagbabawalan na ring maglayag kapag nasa storm signal No.1 na ang bagyo sa isang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply