PCG nakaalerto sa 10th anniversary ng 9/11 attack

NAKAALERTO na rin maging ang Philippine Coast Guard (PCG)  kaugnay sa 10th anniversary ng  9/11 terrorist attacks, sa pag-iinspeksyon ng mga bagahe ng mga pasahero sa mga major ports sa bansa.

Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Ramon Liwag, inatasan na ang kanilang mga tauhan na na i-monitor ang mga bagahe ng mga pasahero upang matiyak ang seguridad ng mamamayan.

Gayunman, umapela to na makiisa ang mga pasahero at ireport agad sa awtoridad ang mga naiiwang bag sa mga pantalan at terminal.

Nagtalaga na rin ng 500 bagong graduates ang Coast Guard na mag-iinspeksyon sa mga pantalan.

Nakahanda na rin ang kapulisan ng Metro Manila laban sa mga terror groups lalo na sa mga lugar kung saan naninirahan ang mga American nationals. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply