PCG nakipag-ugnayan sa DFA para sa pagpapauwi sa 3 mangingisdang dinala sa Taiwan

NAKIPAG-UGNAYAN na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation ng tatlong mangingisda na nauna nang naiulat na nawawala sa karagatan sakop ng Basco, Batanes.

Ayon kay Lt. Commander Algier Ricafrente, tagapagsalita ng PCG, nasa Tongkang Fishing Association sa Taiwan sina Gerry Tapuro, Ferdinand Cusit at Teodoro Abuyan matapos silang masagip ng Taiwanese Flagship sa karagatan.

Ang tatlo ay dinala sa Taiwan ng Taiwanese flagship dahil na rin sa lakas ng alon at hangin kaya hindi na nadala pa ang mga ito pabalik ng sa kanilang lugar.

Matatandaan na nawawala ang tatlong mangingisda sakay ng motorbanca sa karagatan sakop ng lalawigan ng Cagayan noon pang araw Setyembre 7 at sila ay nailigtas ng Taiwanese Flagship at dinala sila sa Taiwan.

Inaasahan naman ng coast guard na mapapadali ang proseso ng pagpapauwi ng mga mangingisda sa Pilipinas upang makasama na ang kani-kanilang mga magulang na ilang araw na ring nangungulila sa ilang araw nilang pagkawala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply