PCSO gulat sa P3.6B na utang sa BIR

NASORPRESA si PCSO chairwoman Margarita Juico sa laki ng utang sa buwis ng kanyang opisina sa pamahalaan na umaabot ng P3.6 bilyon at hindi nabayaran ng mga nakaraang administrasyon mula 2007 hanggang 2009.

Ayon kay Juico, nagsimula ang kanyang opisina na magbayad ng mga back taxes simula pa noong Enero para sa taong 2010 at hindi niya inakala na mayroon pa palang iniwang mga utang ang dating naupo sa kanyang ahensya.

Nagulat na lamang sila ng dumating ang sulat na galing sa Bureau of Internal Revenue noong Setyembre 12 na nag-iimbita sa PCSO para sa isang pagpupulong upang ayusin ang mga buwis ng ahensya sa mga taong 2007, 2008 at 2009.

Sa sulat ng BIR sa PCSO na pirmado ni Alfredo Misajon, acting commissioner ng BIR Large Taxpayers Service, nakasaad na noong 2007 ay hindi nabayaran ng PCSO ang may P1.66 bilyong buwis, P1.299 bilyon noong 2008 at P1.151 bilyon noong 2009.

Ang mga buwis ay kinapapalooban ng mga withholding taxes para sa mga suweldo ng mga empleyado, mga 10%documentary tax sa bawat lotto ticket, buwis sa miscellaneous income, 5% buwis sa total prize fund kabilang na ang mga penalties, surcharges at interests na kung susumahin ay maaaring umabot ng P5 bilyon lalo pa kung mabubulatlat ang mga rekord nuong taong 2002 hanggang 2006.

Nangako naman si Juico na lilinisin ang mga utang ng ahensya at makikipag-compromise sa pagbabayad nito.

Isinantabi naman ni BIR Commissioner Kim Henares na ‘di na aabot pa sa pag-freeze ng asset ng mga delingkuwenteng ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga hakbang lalo nat makaka-apekto iyon sa serbisyong dulot ng PCSO sa publiko.

Matatandaang noong 2010 sa ilalim ng dating BIR chief na si Joel Tan ay na-freeze ang savings ng Makati government na umabot ng P1.15 bilyon sa Land Bank dahil sa tax-deficiency nito sa BIR. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply