PDEA binalasa sa mga kapalpakan

DAHIL sa sunod-sunod na kapalpakan ng operating units, dagdag pa ang pagkakabasura ng ilang malalaking kaso sa korte na hawak ng Philippine Drug Enforcement Agency, napilitan ang mataas na pamunuan na balasahin ang lahat ng unit nito hanggang sa rehiyon.

Kanina naging epektibo ang balasahan kung saan muling nagkaroon ng reorganisasyon matapos ang mga kontrobersiya na nangyari sa ahensiya kung saan huling naging dagok sa kanila ang pagkakaabsuwelto ng dalawang miyembro ng Alabang boys.

Kabilang sa tinamaan ng reshuffle ang elite unit ng PDEA ang Metro

Manila Regional Office (MMRO) kung saan pinalitan si Regional

Director Wilkins Villanueva at inilipat sa Preventive Education

Community Involvement Service (PECIS) habang papalitan nito si

dating PECIS Director na si Ret.Gen. Pedro Magsino na inilipat

naman sa MMRO.

Habang ang deputy nito na si MMRO Deputy Director Arnold Derrcik

Carreon na dating PIO Chief ay mapupunta sa PDEA Laboratory Service bilang hepe nito at papalitan ang dating hepe na si

Director Cesar Jose.

Kasama ring nagalaw si dating Intelligence and Investigation Service Chief Jigger Montellana at ipinalit dito si Army Col. Lachica., gayundin ang mga tauhan ng K-9 units ng PDEA.

Lahat naman ng agents ng MMRO na may bad records ay inilipat sa ibat ibang regional offices ng PDEA sa Regions 1, 2 at Cordillera Autonomous Region (CAR).

Ilan sa mga ahente nito ay nasangkot sa ilang kaso ng hulidap at pagransak sa mga kagamitan ng mga hinihinalang drug pusher na nahuhuli nila at pagtanggap umano ng milyong pisong halaga ng pera bilang areglo sa mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply