PDIC, LBC bank depositors nagkainitan

NAGKAINITAN sa isinagawang pulong ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) at mga depositor ng isinarang LBC Development Bank sa Barangay Laging Handa, Quezon City.

Partikular na ikinagalit ng ilang depositors ay ang pahayag ng PDIC na wala pang katiyakan kung kailan maibabalik sa kanila ang kanilang naipong pera sa nabanggit na bangko.

Paliwanag ng PDIC, nagpapatuloy pa ang imbentaryo at eksaminasyon sa mga ari-arian ng LBC Bank.

Sa ginanap na forum, ipinaliwanag din ng ahensiya ang proseso para sa insurance claims ng depositors, kabilang ang pagsumite ng claim form, evidence of deposit at dalawang valid ID.

Para naman sa mga Pinoy na nasa labas ng bansa, maari umanong magsumite ang mga ito ng special power of attorney (SPA) mula sa Philippine Consul kung nasaang bansa sila naroroon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply