PNP chief pinatututok sa peace and order

PINATUTUTUKAN sa bagong talagang Philippine National Police (PNP) chief ang peace and order situation sa Mindanao at ibang panig ng bansa at ang pagsugpo ng iligal na sugal.

Ito ay ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, matapos na pormal na italaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Gen. Nicanor “Nick” Bartolome bilang hepe ng pambansang pulisya, kapalit ni dating PNP chief Raul Bacalzo.

Anang obispo, pangunahing dapat tutukan at solusyunan ni Bartolome ang kidnapping, pambobomba, gantihan ng mga pamilya sa Mindanao o tinatawag na RIDO at iba pang uri ng karahasan sa bansa.

“Maraming hamon na kakaharapin ang bagong PNP chief at unang una talaga dyan ang peace and order situation sa bansa partikular sa Mindanao, gaya ng kidnapping, RIDO, pambobomba at iba pang uri ng karahasan. Kailangan talaga na more visible ang mga pulis doon at sa kahit saan mang lugar sa bansa, to alleviate more security to our people.” bahagi ng pahayag ni Medroso sa panayam ng Radyo Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply