‘Pedring’ mananalasa sa Cagayan sa Martes

KUNG hindi sa Martes ng gabi, Setyembre 27 ay sa Miyerkules ng umaga, Setyembre 28 nakakasang manalasa ang bagyong Pedring, may international name na Nesat sa Cagayan Valley.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmopheric Geophysical and Astronomical Services Adminstration (PAGASA) ngayong araw, pumasok na ang tropical storm Pedring sa Philippine area of responsibility (PAR) kahapon at bahagya pang lumakas at kumikilos patungong Northern Luzon sa bilis na aabot sa 19 kilometro bawat oras (kph).

Ayon sa PAGASA, dahil mabagal ang pagkilos ay maaari itong tumama sa lupa sa Cagayan Valley sa Martes ng gabi o sa

Miyerkules ng umaga.

Sa pinakahuling PAGASA bulletin, namataan ang bagyo sa layong 890 kilometro (km) silangan hilaga-silangan ng Virac, Catanduanes, na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 75 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot ng hanggang 90 kph.

Samantala, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nararamdaman na ang epekto ng bagyo sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.

Hindi naman direktang tatamaan ang Metro Manila, pero magdudulot ito ng mga pag-ulan sa Metro at kalapit na probinsya sanhi ng Inter-tropical Convergence Zone.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply