Pedring, Ondoy go away! Never come again another…

NOONG Setyembre 26-27, 2009, nagbuhos si Ondoy ng walang puknat na ulan hindi lang sa Metro Manila kundi sa malawak na bahagi ng Luzon.

Napuno naman ng tubig ang ilang dam sa Luzon kaya nagpakawala ng tubig ang mga ito.

Sa magkakambal na pangyayaring ito, binaha nang todo ang Metro Manila at mga rehiyon sa paligid nito, lalo na ang Southern Tagalog at Central Luzon.

Paalis na sana si Ondoy sa repablik ni Juan makaraan ang ilang araw na pananalasa nito nang masalubong nito sa daan ang bagyong Pepeng.

Hayun at nagkagustuhan ang dalawa at halos hindi nila maalaala ang lumayas sa bansa ng kung ilang linggo.

oOo

Grabe talaga, Suki, ang pangyayaring iyon.

Wala ni sinoman ang nakauwi sa aming tahanan sa araw na iyon.

Pero suwerti pa rin kami at hindi kami nasama sa kulang-kulang na 1,000 na basta na lang natagpuan na lumulutang nang bangkay sa baha, natabunan ng mga putik sa lanislayd at iba pa.

Meron namang basta na lang hindi na natagpuan at hanggang ngayon ay missing pa rin.

Pero kasama kami sa mga nasiraan ng mga ari-arian na hanggang ngayon ay hindi na maibabalik pa.

Maraming taon pa ang bubunuin ng marami para muling manumbalik ang kanilang mga buhay sa normal, pati na ang kanilang ari-arian at kabuhayan.

Sana naman, hindi na maulit pa ang nakatatakot na mga baha at bagyong Ondoy at Pepeng.

oOo

Habang tinitipa natin ito, Suki, nananalasa ang bagyong si Pedring.

Malamig ang halos buong bansa at ang sakop ni Pedring ay mula sa Kabisayaan hanggang sa Batanes.

Huwag sanang mag-ala-Ondoy si Pedring.

Ondoy, Pedring go away. Plis lang!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply